Advertisers

Advertisers

May-ari ng karinderya huli sa pagnanakaw ng karne

0 14

Advertisers

ARESTADO ang isang ginang nang maaktuhan itong nagnanakaw ng mga karne sa isang frozen good store sa Barangay District 2, Cagayan City, Isabela.

Ang ginang ay nasa edad 44, tng Barangay District 3, ng nasabing siyudad.

Nadakip ang ginang nang ireklamo ng may-ari ng tindahan na si Marlon Agustin, 37, ng Barangay District 2.

Sa ulat ng Cagayan City Police Station (CCPS), sa salaysay ni Esperanza Espiloy, isa rin sa mga may-ari ng tindahan, bago ang insidente napansin niya ang ginang na mayroong iba’t ibang klase ng karne sa kanyang eco bag na ‘di naman nasama sa binayaran nito.

Dahil hindi nila matiyak kung sa kanilang tindahan galing ang mga karne sa bag nito, ayon kay Espinoy, hindi na nila ito kinompronta at sa halip nirebyu nila ang kuha ng CCTV footage.

Dito nabuking na ninakaw ng ginang ang mga karne, at inabangan nila ang pagbabalik nito sa tindahan.

Ayon sa pulisya, hinarang ng may-ari ng frozen goods store at kinompronta ang ginang na agad namang umamin sa pagnanakaw.

Napag-alaman na mayroong karinderya ang ginang, at batay sa kuha ng CCTV, halos araw-araw ito nagpupunta sa nasabing store para magnakaw ng mahigit P20,000 halaga ng mga karne.