Advertisers

Advertisers

TRUCK NAHULOG SA BANGIN: 4 PATAY, 3 SUGATAN

0 21

Advertisers

NASAWI ang apat katao at tatlo ang sugatan nang mahulog ang sinasakyang boom truck sa bahagi ng Barangay Sangbay, Nagtipunan, Quirino.

Kinilala ang mga nasawi na sina Florante Barayuga, 42 anyos, ng Barangay San Andres, Santiago City, Isabela; Daisy Regatan, 48, ng Dinapigue, Isabela; Rogelio Neverio, 69; at Henry Baldoza, 25, kapwa ng Bulan, Camarines Sur.

Kinilala ang mga sugatan na sina Marco Valdez, 29, isang inhinyero; Marbil Medes, 34; kapwa residente ng Santiago City, at Sonny Regatan, 58, ng Dinapigue ng nasabing lalawigan.



Ayon sa report, galing ang boom trak (NDI 7160) na naglalaman ng construction materials sa coastal town ng Dinapigue at patungo sa Santiago City nang pumalya ang preno ng truck sa pababa at palikong bahagi ng kalsada, dahilan para bumulusok ito sa 10-metrong lalim na bangin.

Agad binawian ng buhay ang driver na si Barayuga at isa sa pasahero na si Daisy, habang binawian din ng buhay sina Baldoza at Niverio habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan dahil sa matitinding sugat na inabot sa katawan.



Sa kasalukuyan, masusing inoobserbahan ang iba pang sugatan sa nasabing aksidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">