Advertisers
NASAWI ang 22-anyos na mister nang saksakin sa dibdib ng kinakasamang babae nang gabihin sa pag-uwi sa kanilang tahanan sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si John Louis Cinco Solomon, warehouseman; at naaresto ang kaniyang kalive-in na si Krizel Baterna Concepcion, 22, walang trabaho at kapwa nakatira sa Maya St., Barangay Commonwealth, Quezon City.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 8:00 ng gabi (August 3) nang mangyari ang insidente.
Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Christian Loyola, sinabi ng kapatid ng salarin na si Angela na nasa loob ito ng banyo nang marinig na nagsisigawan ang mag-live in.
Lumabas ng banyo si Angela upang awatin ang magdyowa, subali’t nakita na lamang niyang duguan nang nakabulagta sa sofa ang babae habang nakatayo sa tabi ang kaniyang kapatid.
Nakita rin aniya ang kutsilyo sa kusina na may mantsa ng dugo sa ibabaw ng mesa.
Nang tanungin ni Angela ang kapatid, sinabi lamang nito ang… “Sorry, sorry” habang umiiyak.
Isinugod pa ng mister ang ka-live in kasama ang mga kaanak sa pagamutan subali’t idineklarang dead on arrival .