Advertisers

Advertisers

DSWD tiniyak na hindi mananahimik sa kaso ni Quiboloy

0 15

Advertisers

NANININDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posisyon nito na protektahan ang mga taong hindi kayang protektahan ang kanilang sarili, partikular na ang mga menor de edad na madalas ay biktima ng mga pang-aabuso.

“As the agency tasked with safeguarding the well-being of our nation’s most vulnerable, the DSWD cannot stay silent in the face of the serious charges against Mr. Apollo Quiboloy. The allegations of human trafficking, sexual exploitation, and abuse of minors strike at the very core of what we stand for: protecting those who cannot protect themselves,” ayon sa official statement ng DSWD.

Batay sa DSWD statement madalas anyang magpahayag ng kalungkutan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga hirap na nararamdaman ng mga inosenteng indibidwal.



“The President speaks for so many of us when he says that nothing is more painful than seeing a child in need, in pain, or left without hope. It is this same pain that drives our work at the DSWD,” ayon pa sa statement.

Kaugnay nito nilinaw din ng ahensya na higit anyang masakit na ang mga public figures pa mismo na dapat na siyang nakikipaglaban para sa kapakanan ng mga naaapi ang siya mismong nagbabalewala at sa halip ay pumapanig pa sa mga masasamang gawa.



Kaugnay nito nanawagan ang DSWD sa lahat ng mga lider na manindigan kasama ng ahensya para protektahan ang kapakanan ng bawat kabataang Pilipino at mabigyan sila ng hustisya laban sa mga masasamang gawa.

Patuloy ang manhunt operations ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) laban kay Mr. Apollo Quiboloy at ilan pang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na nahaharap sa mga kasong kriminal. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">