Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Zambo

0 8

Advertisers

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 ang abot sa P3.4 million na halaga shabu mula sa dalawang mga dealer na nalambat sa Barangay Lumbog sa Margosatubig, Zamboanga del Sur nitong Linggo ng gabi, August 25, 2024.

Sa ulat nitong Lunes ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, agad na inaresto ang mga suspek na sina Marecil Cubio Muloc, 42-anyos; at Jason Codion Palanas, 20-anyos nang bentahan sila ng kalahating kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa isang entrapment operation sa Purok Narra sa Barangay Lumbog.

Ayon kay Gadaoni-Tosoc, suportado ng Margosatubig Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto kina Muloc at Palanas at pagkakumpiska sa kanila ng P3.4 million na halaga ng shabu.



Ayon kay Gadaoni-Tosoc, ilang mga residente ng Margosatubig ang siyang nagsuplong ng kanilang illegal na gawain kaya naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">