Advertisers

Advertisers

Siklista, todas sa pagod

0 28

Advertisers

Nasawi ang isang participant sa mountain bike racing nang hindi nito kayanin ang mahirap na ruta ng karera sa General Nakar, Quezon noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Enrico Pangan, 49-anyos, taga-Tereza, Rizal.

Ayon sa ulat, 6:00 pa lamang ng umaga isinugod na ng General Nakar MDRRMO ambulance sa Claro M Recto Memorial Hospital sa Infanta ang biktima nang mahirapan itong huminga.



Subali’t idineklara na itong dead on arrival sa ospital. Ayon sa doktor, atake sa puso ang ikinasawi nito.

Kalahok ang biktima sa 100 kilometrong mountain bike racing na Brusko Epic Race Sandugo na bumagtas sa mga mahirap na trails, sa mga ilog at bulubunduking mga daan sa General Nakar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">