Advertisers

Advertisers

Ginang pinasabog ang bungo ng ka-live in

0 7

Advertisers

Sabog ang ulo ng isang ginang nang barilin ng ka-live-in sa gitna ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Gelli Abo­gado alyas “Jelay”, nasa hustong gulang, habang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na salarin na kinilala lang na si alyas “Jasper”.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, 11:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng silid ng tanahan ng mag-live-in partner sa isang village sa Brgy. San Jose, Rodriguez.



Ayon sa hindi pina­ngalanang saksi, bago ang krimen magkasama ang biktima at salarin sa loob ng kanilang silid.

Sinabi rin ng mga kapitbahay na nakarinig umano sila ng pagtatalo sa pagitan ng mag-live in partner mula sa loob ng kanilang kuwarto. Maya-maya ay nagulantang na lang sila nang makarinig ng putok ng baril.



Nang alamin ng saksi kung ano ang nangyari nakita umano nito ang biktima na nakahandusay sa higaan at may tama ng bala sa ulo habang ang salarin may hawak na baril at mabilis na nagtatakbo patakas sa lugar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">