Advertisers
Kulong ang 56-anyos na lalaki nang mabilhan ng hindi lisensyadong baril sa Brgy. Baybay, Roxas City, Capiz noong Sabado ng hapon.
Nakilala ang suspek na si alyas Noel, nakatira sa lugar.
Sa imbestigasyon ng Roxas City PNP, nabilhan ng operatiba ang suspek ng isang homemade 12 gauge shotgun sa halagang P3,600.
Nasa kustodiya na ng Roxas City PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.