Advertisers
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr )na nakasuporta ang United States (US) sa Pilipinas, lalo na sa aspeto ng transportasyon sa bansa para mailabas ang mahalagang potensyal nito sa ekonomiya.
Sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista, nakikipagtulungan ang Pilipinas sa US upang tukuyin ang mga lugar ng pakikipagtulungan upang mapabuti ang sector ng transport system sa bansa.
Ang pahayag ni Bautista ay kasabay ng unang coordination meeting ng DOTr-US. kung saan tinalakay sa pulong ang iba’t ibang larangan ng pagtutulungan, kabilang ang paghihigpit sa seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang modernisasyon ng mga regional airport, ang cargo Subic-Cargo-Manila-Batangas (SCMB) railway, improvement at modernization ng mga daungan ng PCG at road transport initiatives.
Sinabi ni US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson na mahigpit na sinusuportahan ng US ang mga layunin sa imprastraktura ng Pilipinas at “pagtibayin ang pangmatagalang US-Philippine economic partnership. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)