Advertisers
Ni Rommel Gonzales
PINAGKUWENTO namin si Judy Ann Santos tungkol sa unang araw ng shooting nila ni direk Chito Roño para sa Espantaho.
“Nung una kaming nagkita parang hindi pa rin ako makapaniwala na, ‘Okay, totoo na ‘to, nangyayari na ‘to.’
“Siyempre sa bawat first shooting day naman puro light scenes pa lang, nandun pa yung warming up with the cast.”
Kasama ni Juday sa naturang horror film ang beteranang aktres na sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Chanda Romero at Eugene Domingo.
Nasa cast din ng nabanggit na pelikula sina JC Santos, Donna Cariaga, Nico Antonio, Kian Co, Mon Confiado, Tommy Abuel.
Pagpapatuloy pa ni Juday, “So nung nakita ko na yung buong cast, magkakasama na kami, nao-overwhelm na ako!
“Yung nae-excite na ako, nakikita ko na, nakikita ko na yung eksena, hindi pa namin sinu-shoot nakikita ko na kung ano’ng mangyayari.
“Na ang likot din ng utak ni direk Chito dito sa pelikulang ‘to. Yung magugulat ka biglang iba na yung gagawin mo sa nabasa mo sa script.
“So it’s more of parang impromptu? Not the acting but yung storyline niya.
“Parang biglang may gulatan kaya nakakaaliw din, nakaka-excite kung ano yung magiging end product namin.”
Ang Esapantaho ay mula sa Quantum Films, Cineko Productions; isa rin si Juday sa mga producer ng pelikula with her Purple Bunny Productions.
***
Kinumusta namin kay Krissha Viaje kung kamusta na sila ng ka-loveteam niyang si Jerome Ponce.
Aniya, “Okay lang po, payapa ang aming mga puso. “Ay, payapa. Ha! Ha! Ha! Kalma lang, kalma lang naman kami siyempre. Iyon lang po ang masasabi ko.”
The time na kausap namin si Krissha ay katatapos lamang ng bagyo, kaya wala si Jerome.
“Kasi…opo, kailangan po niyang mag-swimming papunta dito. So, dun na lang muna siya.”
Hindi ba niya dinamayan o tinulungang maglinis ng bahay si Jerome?
Pakli ni Krissha, “Nag-message naman po ako na sana everybody is safe, sana maging safe sila dun. Safe naman sila. Mukha naman.”
Magkapareha sina Krissha at Jerome sa Chasing In The Wild na seryeng umeere ngayon sa Viva One.
Nasa Chasing In The Wild din sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Wilbert Ross, Jairus Aquino, Bea Binene, Nicole Omillo, Aubrey Caraan, Yumi Garcia, at sina Angelu de Leon at Anjo Yllana, at marami pang iba, sa direksyon ni Thop Nazareno.
May bago itong episode tuwing araw ng Biyernes.
Kumusta rin pala sina Nicole at Jairus?
Ani Nicole, “Kami din matagal, kami pinakamatagal, nasa dulo pa po kasi istorya namin ni Jairus, and for now, we’ve been really enjoying being with the whole team, and ewan ko, masaya naman katrabaho, and let’s go! Ha! Ha! Ha!”
“Siyempre, like what Nicole said, malayo pa talaga yung book namin,” saad naman ni Jairus, “so as of the moment, we enjoy each other’s company talaga, bilang co-workers, kasi… actually, the next book, the next book, the next book, mas nag-a-upgrade din yung connection namin in terms of working with each other.
“Mas naiintindihan namin yung isa’t isa, kung ano dapat gawin sa promos and sa show itself. So, we just enjoy each other’s company.”