Advertisers

Advertisers

Engineer pisak sa sasakyan ng doktor

0 20

Advertisers

Nasawi ang isang engineer nang magulungan ng sasakyan ng doktor nang sumemplang ang una sa minamaneho nitong motorsiklo, sa  Isabela.

Kinilala ang biktima na si Engr. Emerson Fernandez na residente ng District 3, San Manuel, Isabela; habang hawak naman ng pulisya ang driver ng kotse na si Dr. Christian Sok-ang.



Ayon kay PMaj Jojo Turingan, hepe ng San Manuel Police Station, naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay District 3, San Manuel, Isabela.

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan habang papasok naman sa trabaho si Sok-ang.



Bigla na lamang sumemplang ang biktima at tumilapon ito sa kalsada dahilan para magulungan ng kasalubong na sasakyan ng suspek.

Isinugod naman sa ospital ang biktima subalit idineklara na patay ng umatending doktor sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.



Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.