Advertisers
Kulong ang apat na katao nang i-post sa Facebook ang tinitinda nilang bonsai na gawa mula sa punong molave, na isang endangered species.
Sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Soccsksargen, sinalakay ng mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang lugar ng mga suspek sa Sitio Tribal, Barangay Bawing, kung saan, narekober ang walong bonsai tree.
Ayon sa DENR, nadiskubre ang ilegal na kalakalan ng mga suspek matapos i-post ng mga ito sa Facebook ang kanilang bentang bonsai.
Paalala ng ahensiya, mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pangongolekta at pagbebenta ng mga wildlife species, kasama na ang mga punong-kahoy at halaman sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.