Advertisers

Advertisers

GRO kinatay ng kustomer sa loob ng motel

0 36

Advertisers

Duguan ang mukha at patay na nang matagpuan ang isang babaeng Guest Relations Officer (GRO) nang sakalin at ipinag-uumpog ng isang lalaki habang naka-check-in sa Zams Apartelle sa Biak na Bato Street, Brgy. Tabuco, Naga City, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Redira R., 27-anyos, may kinakasama, tubong Brgy. Igualdad, Naga City at pansamantalang naninirahan sa Barangay Alimbuyog, Milaor habang inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng salarin.



Sa ulat, l5:30 ng umaga, habang sinusundo ng 47-anyos na “bugaw” ang biktima sa kanyang kuwarto sa nasabing motel, nang madiskubre ang krimen.

Kasama ang room attendant ng motel, kinatok ang kuwartong pinasukan ng GRO pero walang sumasagot kaya napilitan na silang buksan ang pinto sa pamamagitan ng susi mula sa nasabing motel.



Laking gulat nila nang tumambad ang duguang mukha ng biktima na nakasubsob sa sahig ng comfort room at napupuluputan ang leeg ng tuwalya.

Sa inisyal na ulat ng Naga City Police Station 5, alas-2:15 ng madaling araw nang mag-check in ang isang lalaki na nakasuot ng itim na sweatshirt, brown na pantalon at naka-face mask at sombrero sa Room 106 ng motel.



Ilang sandali, dumating na ang biktima at pumasok sa kuwarto ng lalaki.

Sa report, 3:00 ng madaling araw nang lumabas ang salarin at hindi na bumalik hanggang sa matagpuang patay na ang biktima sa nasabing silid.