Advertisers
Nasawi ang isang taon at walong buwang gulang na batang lalaki nang mahulog sa kanal at matangay ng baha sa bayan ng Quezon nitong Martes ng umaga.
Sa dagat na natagpuan ang biktima nitong Martes ng tanghali.
Ayon sa report ng San Andres police, natutulog umano ang ina ng bata at isa pang anak nito nang nakalabas sa gate ang biktima at nakapunta sa kanal na nasa harapan lamang ng kanilang bahay.
Hinihinalang naglaro ang bata sa gilid ng mahulog ito at natangay ng malakas na agos ng tubig.
Agad sumaklolo ang mga residente at tumawag ng mga rescuer at inabangan ang bata sa dulo ng kanal na patungo sa dagat.
Subali’t dahil sa lakas ng agos, nakalusot ang bata at doon na ito hinanap at natagpuan ng mga rescuer na nakalutang sa malapit sa dalampasigan.
Agad itong sinagip at isinugod pa sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.