Advertisers

Advertisers

PALASYO UMARAY SA BANAT NI DIGONG

0 73

Advertisers

UMARAY ang Malacañang sa mga pahayag ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sa Senado, lalo na ang patungkol sa umano’y paglaganap ng krimen sa Pilipinas.

Sa pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binigyang-diin niya na walang katotohanan ang alegasyon ni Duterte ukol sa kriminalidad sa ating bansa.

Pahayag ni Bersamin, ang sinasabi ng dating pangulo ay taliwas sa datos ng Philippine National Police (PNP), kungsaan makikita ang malaking pagbaba ng krimen sa iba’t ibang parte ng kapuluan.



Ibinida pa ni Bersamin na napanatili ng kasalukuyang administrasyon ang kapayapaan at kaayusan sa bansa nang hindi sinasakripisyo ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.

Dagdag pa rito, sinagot din ni Bersamin ang sinabi ni Duterte hinggil sa isang drug raid sa San Miguel, Manila na dito’y isang drug personality ang nahuli at ang mga awtoridad aniya ay patuloy paring tinutugis ang mga kasabwat nito.



“Further, the incident which the former President cited of a drug raid in San Miguel, Manila is based on outdated information. In that case, one suspect was arrested, drug paraphernalia was seized, and his partner is now being pursued by law enforcement,” ani Bersamin.

Giit pa ni Bersamin, ang mga pangyayaring ito ay patunay na umiiral ang batas sa ilalim ng administrasyong Marcos, na nagbibigay sa mga Pilipino ng mas ligtas na kapaligiran at mas maliwanag na kinabukasan. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">