Advertisers
NAHAHARAP sa patong patong na kaso ang isang opisyal ng Philippine National Police–Maritime Group (PNP-MG) nang ipagharap ng reklamo ng isang policewoman matapos tangkain nito pagsamantalahan sa Lal-Lo, Cagayan, Lunes ng umaga.
Kinilala ang ipinagharap ng reklamo na si Colonel Lavis Camdas, 52 anyos, hepe ng Regional Maritime Unit II, ng Marville Homes Subdivision, Tadiangan, Tuba, Benguet.
Ang biktima kinilalang si alyas Baby, nakatalaga sa Regional Maritime Unit II, ng Brgy. Bagay, Tuguegarao City.
Sa report, naganap ang insidente 8:30 ng umaga sa Region Maritime Unit II sa Brgy. Centro, Lal-Lo, Cagayan, Oct 28, 2024.
Sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (WPD) Lal-Lo Municipal Police Station, pumasok ang biktima sa opisina ng opisyal upang ipabatid dito na mayroon itong importante zoom meeting. Inatasan ng opisyal ang biktima na ayusin ang gagamiting laptop at pumasok ito sa kanyang kuwarto.
Nang lumabas ng kuwarto ang opisyal, sinabi ng biktima na nakaayos na ang zoom nang mapansin nitong nakatitig ang Kernel sa kanya, at biglang hinawakan ang kanyang kamay, niyakap ng mahigpit at hinaplos ang kanyang buhok at inaamoy ito.
Pumalag ang biktima at itinulak ang opisyal, nguni’t hinawakan nito ang kanyang kamay at inilagay ang daliri sa labi. Niyakap ng opisyal ang biktima at tinangka ito halikan sa labi nguni’t muli itong pumalag at nagawa ito mahalikan sa noo.
Sasampahan ang nasabing opisyal ng Act of lasciviousness). (Mark Obleada)