Advertisers

Advertisers

“BELIEVING YOUR OWN LIES”

0 14

Advertisers

Nilinaw ng Department of Justice na hindi pinipersonal ng iba’t ibang government agencies si Vice President Sara Duterte.

Sa isang press conference na ginanap sa Malacanang, sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na isinusulong at pinapairal lamang nila ng batas ng bansa.

Ito ay may kinalaman pa rin sa naging banta ni VP Sara laban kay PBBM.



Paliwanag ni Usec. Andres , kinakailangan aniyang mas lalong palakasin ang mga institusyon ng pamahalaan.

Bukod dito ay kailangan ring isulong ang Konstitusyon ng bansa.

Malaking pagkakataon rin aniya ito na ipakita sa publiko na walang sini-sino ang batas kahit pa ang mataas na opisyal ay mapapanagot sa batas.

(Eh bakit kayo dyan sa Malacanang nagsagawa ng presscon at hindi sa DOJ?

Si Liza Marcos ba at si Sec. Cesar Chavez ba ang nag- organisa ng presscon at ginawa kang props Usec. Andres?)

Believing your own lies Mr.Undersecretay Andres ha ha ha???



Samantala, iginiit ng isang miyembro ng Kamara de Representantes ang pangangailangan na makilala ang hitman na kinausap ni Vice President Sara Duterte upang patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ayon kay Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, ang pahayag ni VP Sara ay nakaka alarma at banta sa national security.( kayo lang namang mga aso ni Bobo Marcos ang naa- alarma at hindi naman ang publiko).

Sinabi ni Flores na dapat makilala ang hitman sa lalong madaling panahon gaya ng utos ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Presidential Security Command (PSC) na tiyakin na masusuri ng husto ang bawat anggulo bago mahuli ang lahat.( bakit mahuhuli ang lahat in the first place Cong.Sipsip?)

Bakit tila nagpupumilit na madaliin ng mga galamay at ” aso” ng mag- asawang Marcos na gipitin si VP Sara Duterte para ma-impeach?

Dahil ba sa malaki pa ang hahabulin nilang distansiya para sa 2028 presidential elections kung saan sa kabila ng demolition job laban sa bise presidente ay nananatili itong mabango sa mga tao?

Nananatiling bang far behind si Tambaloslos ” walang kabusigan” Romualdez?

Ika nga, gusto nang ibatong lahat ng gobyernong Marcos Jr. ang lahat ng puwersa at resources ng gobyerno laban kay VP Sara at sa mga Duterte.

Isa itong grand conspiracy ng gobyernong Marcos Jr.to eradicate the Dutertes who still hold the political clout over the Filipinos.

Pero kuwidaw pa rin kayong mga buwaya sa gobyerno.

Hindi lahat ng araw ay Pasko.

Worst, baka kayo di abutin ng PASKO.

Inday Sara has nothing to lose kung ikukumpara sa sitwasyon ni Bobo este Bongbong Marcos Jr. at ng mga aso nito pati na ni FL Liza Araneta Marcos.

Payong kapatid lamang sa mga buwayang ito, “never put your guard down” at wag na wag kayong matutulog sa pancitan!

Baka bangungutin kayo at di na magising.

Isipin nyo, baka ang mga ninakaw nyo sa taongbayan ay di nyo madala sa inyong libingan!

May matino pa bang Pilipino ngayon ang naniniwala sa inyo makaraang dambungin nyo ang halos lahat ng laman ng kabang bayan ng bansa?

Sabi nga sa pamosong kasabihan, ” tell that to the marines”!

Goodluck na lang sa mga kawatang ito sa gobyerno!

Nawa’y umabot pa nga po sana kayo ng isang maligayang PASKO at ng manigong Bagong Taon!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA [email protected]