BINIGYANG-DIIN ni Manila 3rd District Representative Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na obligado ang Kamara na aksiyunan ang impeachment complaint na posibleng ihain kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa iba’t ibang kontrobersiya na kanyang kinahaharap, lalo na iyong sa P162.5 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd).
Ito ay bunsod ng mga ulat na ilang grupo ang nagbabalak na maghain ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente dahil sa dumaraming ebidensiya at testimonya na naglabasan na nagdidiin sa kanya.
“Our institution is duty-bound to serve as a check and balance while safeguarding public trust. The Filipino people deserve answers regarding these serious matters, and we aim to fulfill this responsibility without political distractions or divisiveness,” sabi ni Chua sa isang statement nitong Huwebes, Nobyembre 28.
“However, we also recognize that the House of Representatives has a constitutional duty to act on impeachment complaints filed against impeachable officials. This is not just the responsibility of the institution, but also the individual duty of each congressman to uphold the Constitution,” giit ng kongresista.