Advertisers

Advertisers

Away ng Duterte at Marcos nasa ‘point of no return’ – VP Sara

0 12

Advertisers

TAHASANG inamin ni Vice President Sara Duterte na wala nang balikan ang kanilang laban kontra sa kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Bise Presidente, malabo na aniyang manumbalik ang samahan ng Team Unity dahil marami na ang nangyari, kabilang ang mga pag-atake sa kanilang panig sa iba’t-ibang paraan.

Maituturing umanong “point of no return” at haharapin nila ito sa anumang paraan.



“I really believe we reached the point of no return. It is clear they are really going after me. Gusto nila akong tanggalin sa posisyon,” pahayag ni VP Sara.

Samantala, nanindigan si VP Sara na walang active threat sa kaniyang mga pahayag na patayin ang presidente sakaling mapatay siya.

Giit ng bise presidente, isa siyang abogado at alam niya ang tama at mali at kung ano ang legal at illegal.

Sinabi pa ng pangalawang pangulo na kakatwa ang mga aksyon ng mga otoridad na dagdagan ang seguridad ng presidente dahil lamang sa kaniyang mga pahayag.

Tanong tuloy nito, papatayin na ba siya ng mga Marcos?

Wala pa namang panibagong pahayag hinggil dito ang mga opisyal ng Malacanang.