Advertisers

Advertisers

PBBM: ‘WAG I-IMPEACH SI SARA ‘DI SIYA IMPORTANTE, MAKAGULO LANG!

0 91

Advertisers

NAGMENSAHE si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga lider ng kongreso para pigilan ang impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte-Carpio.

Sa gitna ng patong-patong na complaints mula sa iba’t ibang departamento, nagbigay ng paalala si PBBM na ‘wag nang ituloy ang paghahain ng impeachment.

Ayon sa Pangulo, hindi importante si Duterte “in the larger scheme of things” at ang impeachment ay maari lamang aniyang ma-kagulo sa dapat na ginagawa ng gobyerno para sa ka-pakanan ng mga Pilipino.