Advertisers

Advertisers

Negosyanteng ‘di nagpabale patay sa saksak ng karayom

0 13

Advertisers

NASAWI ang isang negosyanteng senior citizen nang pagsasaksakin ng kaniyang pahinante gamit ang limang pulgadang karayom nang hindi umano siya magpabale sa Candaba, Pampanga.

Kinilala ang biktima na si Lavinia Gulapa, 68 anyos, na nakitang walang buhay sa opisina ng kanilang warehouse sa Barangay Barangca.

Kinilala ang suspek na si Jerome Santiago, pahinante ng biktima.



Lumabas sa imbestigasyon na nagtamo ng “defense wounds” at mga pasa sa likuran ang biktima, ngunit ikinasawi niya ang saksak sa kaniyang puso.

“Meron po siyang malalim na saksak sa puso, dalawa,” sabi ng anak ng biktima.

Ginamit na murder weapon ng salarin ang isang karayom na pangtahi ng sako.

Pagkagawa ng krimen, nakunan ang suspek na naglalakad sa highway dala-dala ang isang pulang bag na naglalaman umano ng P60,000 na kaniyang tinangay mula sa biktima, at isang handgun.

“Matagal na siyang nagserbisyo sa amin, wala naman kaming pinakitang hindi maganda. Ang hiling ko sana sa kaniya, harapin niya po ang kaso at sumuko na lang siya. Panagutan niya ang nangyari,” sabi ng anak ng biktima.

Ayon pa sa anak ng biktima, nagalit ang suspek nang hindi pabalihin ng kaniyang ina.



“Ang nababalitaan ko po, nangangailangan siya ng pera. Meron na po siyang mga bale. Isa rin po sa narinig ko, may bisyo, nagdodroga,” anang anak ng biktima.

Naglabas na ng warrant of arrest ang korte laban sa suspek pitong buwan matapos ang krimen.