SUGATAN ang isang jail guard sa Capiz Rehabilitation Center nang tambangan ng nag-iisang gunman sa Crossing Jail, Barangay Lawaan, Roxas City noong Martes.
Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang biktima at ginagamot pa sa hindi tinukoy na ospital.
Sa imbestigasyon ng Lawaan Police, pauwi na ang biktima nang lapitan at barilin ito ng isang lalaki.
Palaisipan pa sa pulisya ang motibo sa tangkang pagligpit sa biktima.
Ayon sa pulisya, iniimbestigahan nila kung personal o may kinalaman sa trabaho ng biktima ang ugat ng krimen.