Advertisers
MULING nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) National Authority for Child Care (NACC) sa sinumang magtatangkang magbenta o bumili ng sanggol online.
Kasunod ito ng pagkaka-rescue ng isang pitong buwan na sanggol sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) sa San Jose, Rodriguez, Rizal noong Nov. 6.
Sa ulat ng PNP, nabisto ang online baby selling ng isang facebook account sa pangalang Cloie Mae Cruz, ang nagpadala ng mensahe sa “Legal Child Adoption Group Ph” at nag-alok ng sanggol sa halagang P35,000.
Naaresto naman ang 29-taon gulang na suspek sa tulong ng PNP-WCPC’s Luzon Field Unit, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Montalban, Rizal.
Kaugnay nito, muling kinondena ni NACC Usec. Janella Ejercito-Estrada ang online bentahan ng bata na aniya ay hindi katanggap-tanggap at lubhang nakakaalarma.