Advertisers
NASAWI ang isang motoristang guro at angkas niyang 13-anyos na anak nang mabangga ng kasalubong na minivan na lumihis sa tamang lugar sa highway sa poblacion ng Mlang, Cotabato.
Sa ulat ng Mlang Municipal Police Station, unang namatay si Sean Andrew Damcel, estudyante ng Mlang National Highschool, habang sa pagamutan na nalagutan ng hininga ang kanyang ina na public school teacher na si Janelyn, 38, mga residente ng Barangay Inas sa naturang bayan.
Ayon sa mga saksi at mga imbestigador ng Mlang Municipal Police Station, biglang nag-counter flow ang minivan na galing sa kabilang direksyon ng highway kaya nito nasapol ang kasalubong na motorsiklong sinasakyan ng nasawing mag-ina.
Nasa kustodiya na ng lokal na pulisya ang driver ng minivan na sangkot sa aksidente.