Mariing sinabi ni Vice President Sara Duterte na wala nang balikan ang kanilang laban kontra sa kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Malabo na umanong manumbalik ang samahan ng Team Unity dahil marami na ang nangyari, kabilang ang mga pag-atake sa kanilang panig sa iba’t-ibang paraan.
Maituturing umanong “point of no return” at haharapin nila ito sa anumang paraan.
“I really believe we reached the point of no return. It is clear they are really going after me. Gusto nila akong tanggalin sa posisyon,” wika ni VP Sara.
Samantala, nanindigan si VP Sara na walang active threat sa kanyang mga pahayag na patayin ang presidente sakaling mapatay siya.
Giit ng bise presidente, isa siyang abogado at alam niya ang tama at mali at kung ano ang legal at illegal.
Sinabi pa ng pangalawang pangulo na kakatwa ang mga aksyon ng mga awtoridad na dagdagan ang seguridad ng presidente dahil lamang sa kanyang mga pahayag.
Tanong tuloy nito, papatayin na ba siya ng mga Marcos?
Wala pa namang panibagong pahayag hinggil dito ang mga opisyal ng Malacanang.
Ang masakit,patuloy ang pagsisinungalin ng mga nakapalibot kay Marcos Jr.kasama na dito sina ES Bersamin at PCO chief,, Cesar Chavez.
Sa mga press releases ng dalawang opisyal, salungat sa katotohanan ang mga pahayag nina Bersanin at Chavez.
Sino ang pinaiikot ng dalawang opisyal na ito?
Ang taongbayan na nagpapasuweldo at nagpapalamon sa kanila?
Again may kasabihan tayo…
“ang SINUNGALING ay kapatid ng MAGNANAKAW”!
Malinaw na, batid na at malinaw sa kaisipan ng mamamayan kung sinu- sino ang mga sinungaling at MAGNANAKAW sa gobyernong Marcos Jr.
May bago pa ba?
“Kung ano ang puno, siya rin ang bunga”!
Kung MAGNANAKAW ang ama, MAGNANAKAW din ang anak!
Kung napatalsik ang kawatang ama,mapapatalaik din ang animal na anak!
” What goes around,comes around”!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA [email protected]