Advertisers

Advertisers

MARCY TEODORO KASAMA PARIN SA BALOTA – COMELEC

0 13

Advertisers

NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na kasama parin sa balota ang pangalan ng mga kandidatong wala pang pinal na desisyon ang disqualification.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, kabilang na riyan si Marikina Mayor Marcy Teodoro, na kandidato sa pagka-kongresista sa Unang Distrito ng siyudad.

Sinimulan na ng Comelec ang pag-i-imprenta ng gagamiting balota para sa darating na halalan sa Mayo 12.



Paliwanag ni Garcia, hindi inalis ng poll body ang pangalan ng mga kandidato na hindi pa sinesertipikahang final and executory ang disqualification ng Comelec en banc.

Hanggang ngayon, wala paring desisyon ang Comelec en banc sa ‘motion for reconsideration’ ni Teodoro sa pasya ng Comelec 1st Division na i-disqualify siya bilang kandidato.

“Tanging tanging pinal na desisyon lang ng Comelec en banc ang mag-aalis sa pangalan ng isang kandidato sa balota,” wika ni Garcia.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Garcia na maaaring baliktarin ng Comelec en banc ang desisyon ng dibisyon kung makakapagprisinta si Teodoro ng bagong argumento o ebidensya sa kanyang motion for reconsideration.

Giit ni Garcia, may mga pagkakataon na binaligtad ng en banc ang desisyon ng division pagkatapos makapagprisinta ng mga argumento sa motion for reconsideration ang isang kandidato.

Sa kabila ng desisyon ng Comelec, buo parin ang suporta ng mga taga-Marikina City kay Teodoro.



“Tuloy ang laban. Huwag nating hayaang ang mga dayo ang mamuno sa ating lungsod na walang ginawa kundi siraan at pabagsakin si Mayor Marcy,” sabi ng isang residente.