Advertisers

Advertisers

Di ba Pokwang? Birthday greetings ni Lee sa anak na si Malia, ‘for content purposes’ lang

0 26

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA pamamagitan ng video message, rito na lang ipinahatid ni Lee O Brian ang kanyang birthday message sa anak nila ni Pokwang na si Malia.

Dito ay inilarawan ni Lee kung gaano niya kamahal ang anak na kahit magkahiwalay sila ay ito raw ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay 7 years ago.



Samu’t sari naman ng mga naging reaksyon ng netizens. Pero may mga bashers na hindi natiis ni Pokwang na patulan.

Kabilang na riyan ang isang nag-comment na naintindihan raw nito ang side ni Pokwang pero pinupuri nito si Lee na kahit batiin lamang muli ang anak ay ginagawa nito. Pasalamat daw si Pokwang ay hindi ito binlock ng dating karelasyon.



Ang sagot sa kanya ng komedyana, “Sip sep uten spotted!!! Enabler ng mga inutil! Bwahahaahaa kawawa!”

May isa pang nagkumpara kay Pokwang kay Ruffa Gutierrez: “Si Ruffa ‘nung iniwan niya si Bektas walang sustento sa mga anak napalaking maayos ni Rufa mga anak pero hindi siniraan sa mga anak ang ama nila. Ngayon nasa tamang edad na mga anak sila na naghanap sa ama nila. Nasa pagpapalaki ng magulang kung ang isang anak magtatanim ng galit sa ama.”



Ang sagot sa kanya ng aktres, “Excuse me inday hindi ko siya siniraan sa anak niya! Siya ang sumira sa sarili niya and si Ruffa at ako tayong lahat magkakaiba wag kang feeling alam lahat kaloka ka!”

May kumampi naman kay Pokwang at naniniwalang “for content purposes only” ang ibinandera ni Lee.

Saad ng netizen, “Nag-throwback siya kung gano siya kasaya ng pinanganak si Malia?? Samantalang nagalit nga siya kay mamang ng nabuntis siya kay Malia. Sorry ha pero parang content lang bati nyan, just saying. Anyway happy birthday baby Malia, enjoy your day with your mom [red heart emoji].”

Ani pokwang, “Sa awiting….. meow meow meow meow….[laughing emojis].”

Kung matatandaan, taong 2021 nang makipaghiwalay si Pokwang sa dating partner na si Lee. Abril nung nakaraang taon ay nanalo sa deportation case na sinampa ng komedyana sa Bureau of Immigration.

***

TILA may pinariringgan si Karla Estrada sa kanyang Facebook account. Nakasaad sa kanyang FB post , “Fame whore, Low life people. I don’t have Time for this, But my lawyers has.”

Wala namang binanggit na pangalan ang aktres kung sino ang kanyang pinapatungkulan. Deleted na ang nasabing post pero kumalat na ang screenshots nito sa social media.

Ang tanong ngayon ng mga netizens, ito nga kaya ang sagot ni Karla sa Instagram story ng fiancée ng dati niyang boyfriend na si Jam Ignacio?

Bago kasi ito, diretsahang binanggit ng bagong karelasyon ni Jam na si Jellie Aw ang pangalan ni Karla sa kanyang post na nagpapahiwatig na may ginawa umano ang aktres sa kanya na nakaapekto sa kanyang trabaho.

Mababasa sa IG story ni Jellie, “Karla estrada nanahimik ako! wag mo damay work ko [emoji] nanahimik ako mommy (emoji).” Wala nang ibang detalyeng ibinigay si Jellie hinggil sa kanyang hugot post.

Matatandaang November 11, 2024 ay binida ni Jam sa social media ang mga litrato nila ni Jellie na kuha sa kanyang birthday celebration.

Dito, isinabay na rin niya ng ang kanyang wedding proposal kay Jellie.

August, 2024 naman nang unang isinapubliko ni Jam na may bago na siyang partner pagkatapos ng hiwalayan nila ni Karla noong 2023.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang aktres at TV host tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Jam.

Abang-abang na lang tayo kung may pagsasampa ba ng kasong cyber libel na magaganap?