Advertisers
NASAWI ang apat na miyembro ng isang pamilya nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Purok 1, Barangay Camacho, Balanga City nitong Linggo, Pebrero 2, 2024.
Kinilala ang mga biktima na sina Zenaida Jose Alsadon, 70 anyos; August Jose Alsadon, 53; Jaimelyn Joy Manalo, 24; at Jaila Adeline Lucero Jose, 3.
Ayon sa ulat, 4:45 ng umaga nang mapansin ng mga saksi na naglalagablab na ang ibabang bahagi ng dalawang palapag na bahay.
Hindi na nakalabas ang mga biktima dahil nagsimula ang sunog sa unang palapag at nakasarado rin ang gate na maaari nilang labasan.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sanhi ng nasabing sunog.
Agad namang naapula ang sunog ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Fire and Rescue Team ng lungsod.