Advertisers

Advertisers

Zamboanga City swak sa finals ng PNVF U21 Championship

0 23

Advertisers

NAKUPO ng Zamboanga City ang tagumpay sa matinding laban kontra Umingan Volleyball Club, 23-25, 25-23, 32-30, 17-25, 15-10, sa semifinals ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) U21 Championship National Men’s Division sa Ninoy Aquino Stadium Sabado.

Pinamunuan ni Christian Paul Salboro ang opensiba ng Zamboanga sa impresibong 35-point performance,kabilang nag anim na blocks.Teammates Jubert Sioting at Carl John Nabora nagdagdag ng 20 at 14 points,ayon sa pagkakasunod.

Makakaharap ng Zamboanga City ang mananalo sa pagitan ng One Silay at University of the East para sa gold medal match 4:30 p.m. Linggo.



Sa classification round, Giniba ng Lingayen City ang Naga-Cebu Volleyball Club, 25-18, 25-18, 22-25, 25-19, habang ang Notre Dame of Dadiangas University naungusan ang Volleyball Never Stop (VNS), 25-23, 23-25, 22-25, 25-15, 15-13, sa giyera para sa Nos. 5 to 8 rankings.

Sa panahon ng preliminary round, kinastigo ng Zamboanga City ang Lingayen,16-25, 25-20, 23-25, 30-28, 15-7, at One Silay, 25-22, 25-21, 21-25.



Samantala, iba pang tournaments sa Kalendaryo ng PNVF ay ang National Beach Volleyball Championships sa Pebrero at pangalawa ay ang Second AVC Beach Tour-Nuvali Open sa Abril parehong gaganapin sa Nuvali Sand Courts sa Santa Rosa City, Laguna.

Nuvali rin ang magiging venue para sa FIVB World Beach Pro Tour Futures.



Ang Pilipnas rina ng maging host ng FIVB Volleyball Men’s World Championship sa unang pagkakataon simula Setyembre 12 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum at SM Mall of Asia .