Advertisers

Advertisers

Creamline pinangalanan na Team of the Year

0 4

Advertisers

CREAMLINE at ang kanilang coach, Sherwin Meneses, ay pararangalan sa kauna-unahang Pilipinas Live Premier Volleyball League (PVL) Press Corps Awards Night sa Mayo 28 sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City.

Ang 10-time PVL champion Creamline ang pinangalanan na Team of the Year matapos makakuha ng 13.6 points sa poll, 10.8 ay galing sa media at 2.8 mula sa teams.

Petro Gazz ang pangalawa na may 9.4 votes 3-0 mula sa media votes at 6.4 team votes matapos ang pagsira sa Creamline’s All-Filipino Conference five-peat bid nakaraang Abril.



Cool Smashers ang naging leagues’ first grand slam champions matapos walisin ang lahat ng tatlong conferences ng 2024 season.

Ang kanilang 19-game win streak mula 2024 Reinforced Conference hanggang sa matapos ang 2024-25 PVL All-Filipino Conference ay ang second-longest unbeaten run sa kasaysayan ng liga.

Samantala, Meneses ay kinita ang Coach of the Year honors, sa nakalap 11 points, 7.8 media votes at 3.2 team votes.

Japanese Koji Tsuzurabara ng Petro Gazz ang second na may 9.6 point (4.8 media votes at 4.8 team votes) habang ang kababayan Taka Minowa ng Akari ang third na may 2.4 points (1.2 media votes at 1.2 team votes).

Ang 42-year-old Meneses ay inakay ang Cool Smashers sa seven titles.Siya ang league’s most decorated head coach sa loob ng 3 taon.