Advertisers
PORMAL nang naiproklama ng National Board of Canvassers(NBOC) si Senador Lito Lapid bilang pang-11 nahalal na senador sa katatapos na 2025 elections.
Si Lapid, ang tinaguriang Supremo ng FPJ’s Batang Quiapo ay nakakuha ng 13,394,102 votes.
Kasama ni Lapid sa proclamation ang kanyang misis na si Marissa, Mark Lapid(COO, TIEZA) at mga kapatid at mga apo.
Ikinagalak ni Lapid ang kanyang panalo sa ika-apat na termino bilang senador.
Pinasaalamatan ni Lapid ang mahigit 13 milyong botante na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng buong suporta sa panibagong mandato.
“Maraming maraming salamat po, unang-una sa ating mahal na Panginoon, sa ating mga kababayan na tumulong sa akin at sumuporta. Patuloy nila akong minamahal at papalitan po natin ng pagmamahal at pagsuyo, at pagseserbisyo sa ating mga kababayang mahihirap.
Sana po ako ay pagbigyan nyo. Gagawa at gagawa ako ng paraan para mapagserbisyuhan ang ating mga kababayan na mahihirap.
Maraming maraming salamat po sa suporta at pagmamahal nyo. Mabuhay po kayong lahat! Mabuhay ang Pilipinas!” ayon pa kay Lapid.