Advertisers

Advertisers

Marcoleta handa na sa impeachment

0 10

Advertisers

HANDA na si Senator-elect Rodante Marcoleta para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na inaasahang magsisimula sa Hulyo 30.

Sa kabila nito, inihayag ni Marcoleta na dapat pag-usapan kung dapat isulong o hindi ang proseso ng impeachment, dahil naniniwala siyang may depekto ang pundasyon ng reklamo.

“Preparado ako talaga…Pag-debatehan muna natin kung talagang kinakailangan matuloy o hindi,” diin ni Marcoleta, na isang kaalyado ng mga Duterte.



“Nakita ko kasi kung paano nila inilatag. Mali ang batayan, mali ang proseso,” punto ni Marcoleta, na isang outgoing congressman ngunit hindi na nito idinetalye pa.

Si Marcoleta ay uupo bilang isa sa 24 na senator-judges sa impeachment trial ni Duterte, ay opisyal na iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) bilang isa sa 12 nanalong senatorial candidate sa 2025 midterm elections.

Kinakailangan ang 16 na boto, o two-thirds ng senator-judges para paghatol at siyam na boto naman para maabsuwelto ang Bise Presidente.

Kaugnay nito, sinabi ni Senator-elect Christopher Lawrence “Bong” Go na “willing” siyang sumama sa impeachment trial habang hinihintay niya ang ebidensya na ihaharap ng prosekusyon at ng depensa.

“Being part of the 19th Congress and being part of the 20th Congress, I’m willing to participate. Ang importante dito katotohanan. Kung walang ebidensya, kung gayon hindi mo mahahatulan ang isang tao,” ayon pa kay Go. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">