Advertisers

Advertisers

Babaeng estudyante, binaril-patay

0 35

Advertisers

Nasawi sa mga tama ng bala ang 24-anyos na babaeng college student na biktima ng pamamaril sa bayan ng Kapatagan sa Lanao del Sur nitong Huwebes, May 22, 2025.

Kinilala ang biktima na si Saguira Murak, residente ng Barangay Edcor sa Buldon, Maguindanao del Norte, estudyante ng Iranun Foundation College sa bayan ng Kapatagan, isang etnikong Iranon, at umuuwi lang sa Buldon tuwing walang klase.

Kinumpirma nitong Biyernes ng mga opisyal ng Kapatagan Municipal Police Station at ng Lanao del Sur provincial police office ang insidente na nagsanhi sa pagkamatay ni Murak.



Inaalam pa ng mga imbestigador ng Kapatagan police force kung sino ang mga bumaril kay Murak na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

May paniwala ang mga kamag-anak ng biktima na posibleng may kaugnayan sa isang “rido,” o clan war, na kinasasangkutan ng ilang kamag-anak ni Murak ang pagkakapatay sa kanya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">