Advertisers
Kinumpirma ni Senador Jinggoy Estrada na binugbog ang kanyang anak at pamangkin ng tatlong lalaki na lokal na mga residente ng Boracay, nitong Sabado ng madaling araw, Mayo 24.
Batay sa salaysay ng mga biktima, pauwi na galing sa isang bar ang dalawang nang atakihin sila ng mga salarin mula sa likuran.
Kuwento ni Estrada, sinabi umano ng isa sa mga sumalakay sa kanyang pamangkin na “masyado kang maangas.”
Ayon pa sa senador, walang nangyaring komprontasyon sa pagitan ng mga biktima at salarin sa loob ng bar, at makukumpirma ito sa CCTV footage na kanilang nakalap mula sa pinangyarihan ng insidente.
Nagtamo ng suntok sa ulo ang anak ni Estrada at nabali ang kuko sa paa nang paulit-ulit na sipain at pagkatapos bumagsak habang nagkaroon naman ng pinsala sa ilong ang kanyang pamangkin na kasalukuyan nang nagpapagaling sa isang ospital.
Samantala, ayon sa Senador, agad siyang lumipad at nagtungo sa Boracay upang magsampa ng kaso laban sa mga sangkot na indibidwal.