Advertisers
Nagposas sa sarili ang isang lalaki na nagpakilalang dating pulis sa tow truck cable upang pigilan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA ) na hilahin ang kanyang sasakyan sa Crispulo Street, North Caloocan.
Giit ng ex-pulis na pribado ang lugar at wala sa hurisdiksyon ng MMDA.
Ilang residente rin ang humiling ng ebidensya na pag-aari na ng lungsod ang kalsada.
Sagot ng MMDA, pampubliko ang kalsada at ginawang alternatibong ruta dahil sa MRT-7 construction.
Matapos ang diskusyon, tinanggal ng lalaki ang posas nguni’t binigyan pa rin ito ng ticket.
Nagpatuloy ang towing operations ng MMDA sa Camarin Road.