Advertisers

Advertisers

P1.5b shabu nalambat ng mangingisda sa Zambales

0 32

Advertisers

NASA P1.5 bilyon halaga ng shabu ang natagpuan ng mga mangingisda na palu-tang-lutang sa karagatan ng Masinloc, Zambales, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Director General, Undersecretary Isagani R. Nerez, 5:30 ng hapon nang matagpuan ng may sampung mangingisda ang 10 sako na naglalaman ng shabu sa karagatan sa Masinloc noong May 29, 2025.

Sa pagsisiyatsat, naglalaman ang10 sako ng 223 vacuum sealed transparent plastic pack ng shabu na may timbang na 22.655 kilograms na nagkakahalaga ng P1.514,054,000.00.



Nabatid na 4 sako ang naglalaman ng 100 vacuum sealed pack na may labeled “Freesco Dried Durian’, 5 sako naglalaman ng 116 vacuum-sealed packs na may labelled “Daguanyin”, at 1 sako naglalaman ng 7 transparent pack ng shabu.

Dinala ang mga nalambat na shabu sa PDEA Regional Office 3 laboratory at isinai-lalim sa forensic examination at confirmation.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">