Advertisers
Dead on the spot sa naganap na engkuwentro sa Zone 7 Brgy, Bacagan sa bayan ng Baggao Cagayan, ang suspek sa pagpatay sa dalawang pulis sa Bocaue, Bulacan noong Marso 8, 2025.
Sa report na tinaggap ni PRO2 Dir. BGen. Antonio Marallag Jr., kinilala ang napatay na suspek na si alyas “Xander”, nasa hustong gulang residente sa bayan ng Bocaue.
Nabatid na si alyas Xander , ang bumaril at nakapatay sa dalawang pulis na sina PSSg Dennis G. Cudiamat at PSSg Gian George N. Dela Cruz, na kapwa miyembro ng Bocaue Municipal Police Station.
Una nang nagsanib pwersa ang Baggao Police Station, Regional Intelligence Division, Regional Intelligence Unit 2 at Provincial Intelligence Unit-Cagayan PPO, Provincial Intelligence Unit-Bulacan, 204th Maneuver Company RMFB2, 1st PMFC, at Bocaue Police Station bitbit ang warrant of arrest.
Pagdating sa lugar agad umanong bumunot ng baril ang suspek at sumigaw ng “Di ako papahuli nang buhay!” sabay na pinaputukan ang mga operatiba. Dahil dito napilitan ang mga operatiba na gumanti ng putok, na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Nakuha mula sa pinangyarihan ng engkuwetro ang isang ng Glock 9MM na may serial number PNP50742 ng napatay na pulis sa Bocaue.(Thony D. Arcenal)