Advertisers
Arestado ng Valenzuela City Police Station ang 23-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng most wanted persons sa lungsod, sa isinagawang warrant of arrest operation sa Barangay Marulas, Valenzuela City.
Bago ang insidente, napag-alamang nag-away ang suspek at ang kanyang kinakasama na nakikita sa pisikal na pananakit ng suspek kung saan nadamay din ang kanilang menor de edad na anak. Ayon pa sa pulisya. hindi ito unang pagkakataon na sinaktan ng suspek at kanyang mag-ina.
Isinagawa ang operasyon ng Warrant and Subpoena Section, sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng RTC Branch 270, Valenzuela City.
Nahaharap ang akusado sa tatlong bilang ng paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law at paglabag sa Section 5(a) ng Republic Act 9262 o VAWC. May kabuuang piyansang P243,000 ang itinakda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matapos dalhin ang suspek sa Valenzuela Medical Center para sa pagsusuri inilipat na rin ito sa custodial facility ng istasyon, kung saan naka-schedule na isumite sa korte ang return of warrant.
(Beth Samson)