Advertisers

Advertisers

8 pulis sinibak sa iligal sa pagsalakay sa Taguig

0 29

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ang walong pulis nang magsagawa ng ilegal na pagsalakay sa isang bahay sa Taguig City noong Pebrero, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).



Ayon kay NCRPO Chief, BGen. Anthony Aberin, limang pulis ang napatuna-yan guilty sa kasong grave misconduct, less grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer, habang ang tatlo ay guilty sa less grave misconduct at conduct of a police officer, at ang isa ay napawalang-sala. Habang napatawan ng grave neglect of duty at one rank demotion ang Police Substation 5 Commander.

Matatandaan noong Pebrero, sinabi ng NCRPO na sapi-litang pinasok ng ilang tauhan ng Police Substation 5 ang isang bahay ng walang valid warrant at tinangay ang mahigit sa P76,000 cash.
(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">