Advertisers
BALIK- TRENDING sa social media at kabi-kabilang Sports news ang first ever Twin-Gold gymnast ng Pinas na si CARLOS EDRIEL YULO after a sapan of a century, sa muling paghakot ng awards ngayong taon. Tampok ang gold Floor Exercise niya sa 2025 ARTISTIC GYMNASTICS ASIAN CHAMPIONSHIPS sa naitalang 14, 600, kasunod si MILAD KARIMO ng Kazakshtan sa 14, 400, at MOON GEONYOUNG, 14, 033. ng South Korea. Mistulang isang David between two Goliaths si CARLOS sa matatangkd na kalaban pero tagumpay siya sa pagdepensa sa titulo, Ito ang fourth straight win ni CARLOS sa gold award dito. Una pa ang tatlong bronze medals sa iba’t ibang exercises topped by the prestigious All-Around.
“ Wala po kong in-expect sa sarili ko kung anong kalalabasan ng performance ko, , andun yung kaba, pero gusto ko pong i-try,at i-challenge ang sarili ko in this competition, I had to make adjustments dahil sa mga bago o naibang rules. Nagpokus pala siya sa quality ng movement, quality ng skill, quality ng landing,’ ayons sa bahagi ng interview kay Golden Boy.
Ang lahat ay resulta ng masidhing pagnanais na muling manalo, kahit maraming sakit na iniinda, physically, emotionally at spiritually. ‘Marami akong naramdamang sakit, sa likod ko, shoulders, leeg, parang two weeks ang pagitan ng paggaling;’
Say ni GYMNASTIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (GAP) President CYNTHIA CARRION NORTON, “i know what he’s going through, so for this that he went to make it (to win gold and bronze) is fantastic.” Next in line, sasabak siya sa 2025 WORLD ARTISTIC GYMNASTICS Competition sa Jakarta, Indonesia, qualifying competition for 2028 LOS ANGELES OLYMPICS.
Well, common knowledge o alam ng publiko ang emotional and spiritual burden na dala ni CARLOS dahil sa ilang buwang pagbatikos sa kanya sa isyu ng pagkakalayo sa pamilya mula nang nag-expose ang inang si ANGELICA POQUIZ YULO ng family feud. Ang isyu, ayaw ng ina sa girlfriend niyang si CHLOE ANJELEIGH SAN JOSE isang kilalang socmed influencer. Karugtong ito ng isyung pagsimot umano ng ina sa Php11 M bank account ni CARLOS without his consent at nalaman lang nang dumating sa kanya ang notice ng banko. Dahil sa iskandalo, dinumog si Carlos ng socmed bashers at natigil after a few months before 2025 polls. This time, obvious na manipis na ang numero ng bashers. Sana naman po, ang galing at husay ni CARLOS aa mahirap hanapin ay umani pa ng tamang suporta na kailangan niya sa paghahatid sa Pinas ng karangalan. However, malinaw, ang blessings ay patuloy at maraming salamat po sa prayers and support from all Sports lovers.
By the way, ang younger sibling ni CARLOS, si ELDREW YULO ay wagi ng silver sa VAULT Exercise na dagdag puntos sa kasiyahan ng Kuya. Witness po kami sa nice bonding ng magkapatid with CHLOE sa recent 2025 SAN MIGUEl-PSA Awards Night sa Manila Hotel. Peace!
CHEERS of JUNE
HAPPY BIRTHDAY to Atty. RAFAEL ARRIETA FRANCISCO of Royal Estates, Tagaytay City, to ANDREW GABRIEL‘ANDY’ RIVERA ALEJO of Project 6 Special Science Elementary School in QC, and to MARIVIC AWITAN of Banadero, Batangas, Best blessings be with you all. HAPPY READING!