Advertisers

Advertisers

Manileño, inanyayahan ni Mayor Honey na sumaksi at lumahok sa 127th Independence Day

0 47

Advertisers

INANYAYAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga residente na sumakso ay makisali sa mga gawing nakalinya sa Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng ika-127 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sinabi ni Lacuna na base sa calendar of events ng Department of Tourim, Culture and the Arts of Manila (DTCAM) na pinamumunuan ni Director, Charlie Dungo, ang selebrasyon ngayong taon ay tinawagan na, “Kalayaan 2025: Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan, at tinatampukan ng probisyon na Isang araw na serbisyong medikal, Kadiwa products para sa publiko

Mula June 10-11, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, kabilang naman sa activities ang ‘Pampamahalaang Programa at Serbisyo/Kadiwa ng Pangulo’ sa Central Lagoon, Rizal Park at ang AFP and Major Uniformed Services Static Display malapit sa Ma. Orosa Street, Rizal Park.

SaJune 12, ‘Araw ng Kalayaan Simultaneous Comemorative Programs’ ay gaganapin dakong alas-7 ng umaga, kabilang dito ang ‘Parada ng Kalayaan’ sa Quirino Grandstand, 7:30 ng umaga at ang ‘Musikal III: Ang Tanghalan at ang Kalayaan’ na gaganapin naman sa Metropolitan Theater ganap na alas-7 ng gabi.

Nauna dito, ginanap naman ang Musikalayaan’ sa Rizal Park noonh June 5, kasabay ito ng job fair na ginanap sa SM Manila.

Ito ay sinundan ng Parada ng Pag-anyaya na nagsimula sa Rizal monument at nagparada sa mga pangunahinh kalsada noong June 8 at ang ‘KliniKalayaan: Serbisyong Kalusugan Para sa Bayan’ na ginanap nitong June 10 sa Rizal Park’s open-air auditorium. (ANDI GARCIA)