Advertisers
NASAWI ang isang broadcaster na endorser din ng health products nang barilin ng isang nagpanggap na kustomer sa Barangay Lagao, General Santos City nitong Lunes ng umaga, June 23, 2025.
Kinilala ang napaslang na si Ali Jejon Macalintal, kasapi ng LGBTQ community, part-time broadcaster at news contributor ng mga radio station sa General Santos City o Region 12, at residente ng Calina Street, Barangay Lagao.
Sa inisyal na ulat ng General Santos City Police Station, nasa loob si Macalintal ng Delmont Spa, na isa din physical therapy at health clinic sa Barangay Lagao nang magpanggap na kustomer ang gunman na magpa-acupuncture pero biglang pinaputukan ng pistol ng ilang beses ang biktima.
Mabilis na nakatakas ang bumaril kay Macalintal na nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib at tiyan at nadeklarang dead on arrival sa isang pagamutan.
Patuloy ang isinagasagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.