Advertisers
Kalaboso ang 25 anyos na e-trike driver nang paluin hanggang sa mapatay ang isang asong gala sa Maynila.
Hawak na ng pulisya ang suspek na si King Robert Salgan, residente ng Waterlily St., Brgy. 900 sa Punta, Sta. Ana.
Ayon sa imbestigasyon ng MPD-Station 6, nakita ng kapitbahay ng suspek ang ginawang pagmamalupit nito sa kawawang aso.
Kuwento ng saksi, nakita niya mismo na pinagpapalo ni Salgan ang aso gamit ang isang aluminum bar.
Hindi ito tinigilan ng suspek hanggang sa mapatay ang aso na wala naman ginagawa sa kanya at napadaan lamang sa lugar.
Agad na ini-report ng saksi sa barangay ang ginawa ng suspek kung saan inaresto si Salgan at itinurn-over sa mga pulis na kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 10631 (Philippine Animal Welfare Act of 2013). (Jocelyn Domenden)