Advertisers

Advertisers

ENRIQUE AT JULIA MAGKASAMANG KUMAKAIN SA RESTO

0 20

Advertisers

Ni Beth Gelena

VIRAL ang kuhang larawan nina Enrique Gil at Julia Barretto sa social media platforms na nasa isang restaurant sila.

Ang may kuha na snaps shot ay si Ranvel Rufino kung saan kasama rin nila sa frame at ibinahagi sa online.

Na-excite ang fans ng actor nang makita nilang muli si Enrique na ilang buwan ding nanahimik sa showbiz.

Ang caption ni Ranvel sa larawan nilang tatlo, “Merienda with Jules!”

Ang tanong ng netizens, kung may project daw bang gagawin ang dalawang celebrity?

Adding to the buzz, @theslingshotstudios uploaded a series of Instagram Stories featuring Enrique and Julia posing beside each other, ang caption “Q x J?” — a cryptic teaser na posibleng reunion project nila.

Nagkasama sina Enrique at Julia sa Mirabella back in 2014, ang unang lead role ng aktres.

With these new sightings, several netizens — especially Enrique’s loyal followers — are expressing excitement over the actor’s public appearance and the possibility of a fresh on-screen pairing with Julia again.

Wala pa namang kumpirmasyon kung may collaboration project nga ba silang gagawin.

***

Maldita lang siya, hwag agad humusga
GRETCHEN TAHIMIK SA ISYU

MISMONG si DOJ Secretary Boying Remulla ang nagsabing kinukonsidera nila sina Atong Ang at Gretchen Barretto na ‘Being Considered Suspects in the Case of Missing Sabungeros’.

Gayunman, maraming netizens ang hindi naniniwalang magagawa ni Gretchen ang ganoong bagay.

Anila: “Hindi naman siguro ganun kasama si G. Maldita sya pero di naman gagawa ng karumal dumal yun. Wag naman mag judge agad”.

Tila may galit naman ang isang commenter sa dating aktres, “Naku naku wag ganun ang mentality gorl lalo d mo kakilala mga idolo mo.. ganyan din mga may sobrang faith sa mga idol politicians nila kahit blatant lie naniniwala pa din.”

“Ang sa past words nya dati sya nga pa ang nag open ng issue na nasan ang mga nawawalang sabungero so if guilty sya hindi nya yan sasabihin i dont think shes capable and she has something to do with it too”.

“Oo nga. Remember? Matulungin sya sa pamilya before and nagbibigay pa yan ng ayuda aka Bigas at Love Box sa kapwa tao niya.”

“Remember kinuha ni AA si GB na business partner para mapromote yung Online Sabong dahil kaka-pandemic lang nun bawal yung siksikan ng mga tao. Kaya tingin ko walang kinalaman si GB sa nangyari sa mga sabungero dahil baguhan lang siya sa negosyong ito.”

“It takes more than a confession from a supposed witness. A case will be filed and dun mapapatunayan if my SOLID PROOF/ EVIDENCE na DIRECTLY involved si G. As in, dis Abe give orders? Sabi ng witness, sigurado sya may alam dahil palaging magkasama.. That is just a presumption..”

“Exactly! Tsismis lang lalabas iyan dahil wala namang evidence. Plus, ano naman ang mapapala nina Gretchen at Atong kung may nandadayang sabungero eh kanila ang sabungan.”

“Hearsay lang. Patunayan sa korte ang mga akusasyon.”

“Tahimik si Greta. Baka may pasabog din. Sino kaya lawyer na kinuha niya?”

‘Matagal na syang tahimik. Kaya nga nag lie low na siya sa socmed at Media TV.”

“Baka tumanda na ulit hitsura ni Greta sa sobrang stress.”

“Nakakawonder lang na si Totoy kumandidato pa at ng matalo, ito ung next step niya? Dapat 3 years ago kapa ngsalita? Sino ba hinihintay mo? Di daw sila nababayaran. Pero 15 years ka kasabwat sa ibang gawain. Kwestyunably din tong si Totoy.”

Tanong ng netizens sa whistleblower.

“BAKIT PINA ABOT PA NG 15 YEARS??? TAPOS KASAMA DAW NYA PALAGI SI GRETCHEN…

HINDI SYA NAGSUMBONG DAHIL??? NAKIKINABANG DIN SYA…NGAYON NA WALANG BIGAY SILA ATONG AT GRETCHEN ME PA KUMPISAL KUNO!

EVIL VS. EVIL”

“i think hindi hahayaan ni G na masira ang reputasyon nya para sa ganyang gawain hindi dahil para sa sarili or kay tony kundi para sa anak nya, ganun nya kamahal si D para magbehave. pedeng kasosyo sya pero wala syang idea sa case may ganun naman di ba kasosyo ka pero pwedeng wala kang say sa operation kase ang toka sayo sa marketing.”

“Katulad ng cnabi ni Atong, investor lang naman si Gretchen. Nanghingi ng pera at umikot si Alyas Totoy. Dedma malamang kay Gretchen kaya ngayon dinamay sya. I won’t judge not until proven guilty ang billionaire. Something fishy bout the whistle-blower”

“Kung kailan silent at private ang life ni gretchen saka nagka issue ng malala OMG she’s enjoying her life as a lola for sure di sya papayag na masira ang name nya e kung kailan tahimik na sya”

Sa huling komento ay napasok ang pangalan ni Sunshine Cruz

“Sunshine takbo!!!”

***

KUYA WIL MALAPIT NANG BUMALIK SA GAME SHOW

MAGBABALIK na si Willie Revillame sa kanyang game show na Wil To Win kung saan siya ang host.

Pansamantalang iniwan ni Kuya Wil ang kanyang programa nang pumalaot siya sa election 2025 nitong nakaraang June.

Tumakbo siya bilang senador, pero hindi pinalad na manalo.

Kamakailan ay sinilip niya ang soon-to-rise na studio sa loob ng TV5 Media Center sa Mandaluyong.

Isa ang TV host na nagpatayo ng naturang studio, na magiging bagong tahanan ng kanyang comeback show!

Wala pa namang ibang detalye kung kelan magbabalik ang bagong programa ni Kuya Wil.

Pinayuhan naman ng netizens ang mahusay na TV host, “Kung sakali kuya Wil focus ka nlng sa show mo dami mong natutulungan dyan God Bless po…”

“control your temper po!”

Pakiusap pa ng netizens, sana raw ay habaan ni kuya Wil ang kanyang patience kapag naghohost.

Wika pa nila, “sana bagong Willie Revillame na ang mapapanood sa kanyang pagbabalik.”