Advertisers

Advertisers

Sino si Paul Tangkad sa NBI?

0 613

Advertisers

HINDI lamang away sa media sa pagitan ng nagpapakilalang ‘star witness’ sa 34 missing sabungeros controversy at gambling tycoon Atong Ang ang pinag-uusapan ngayon.

Pati ang internal na gulo sa National Bureau of Investigation (NBI) ay tampulan ng usapin ngayon sa loob at labas ng Department of Justice dahil isang alyas Paul Tangkad umano ang hayagan, garapalan at malupit na nangongolekta ngayon ng P2 million weekly bilang tongpats at payola sa illegal na sabong online sa buong Luzon region.

Alam naman ng mga Ka Usapang HAUZ na ang e-sabong ay mahigpit na ipinagbabawal ngayon sa buong Pilipinas mula mismo Executive Order No. 9 na inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Tanong ng mga Ka Usapang HAUZ sino nga ba talaga si Paul Tangkad, itanong kaya natin kay NBI Director Jimmy Santiago Sir?

Eto pa mga Ka Usapang HAUZ Siya ay nagpapakilalang miyembro raw ng NBI-Special Task Group, ayan mga bosing sir alam na kung san sususugin si Ginoong Paul Tangkad.

Ang malupit nito, walang patumanggang ginagamit ang pangalan ng idol ng Masang Pinoy ang ating ‘sharpshooter’ na si NBI director Santiago.

Aba, Boss Tsip, Manager, Amo Director Jimmy Santiago, Sir, mukhang hinahamon ka ni Paul Tangkad, dapat siguro maaksiyunan mo agad ito. Hulihin, ipakulong at kasuhan si Paul Tangkad sa lalong madaling panahon para hindi magasgas ang pangalan mo, Sir Jimmy Santiago, Sir.

Ayon sa ating source, ang taga-deliver daw niya ng nakokolektang pera mula sa iligalista ay isang alyas Taba na malapit na kamag-anak umano ng isang NBI official. Ayaw ni DOJ Sec. Boying Remulla ang ganyang gawain, Sir Jimmy!

Para sa kaalaman ng mga Ka Usapang HAUZ Ang modus-operandi ni Paul Tangkad ay nagpapakilala na siya umano ang ‘authorized bagman’ para mangolekta ng tongpats o payola sa iba’t ibang illegal na e-sabong sa buong Luzon region, malamang kasama na rin ang Dasmarinas City Cockpit Arena sa Cavite na dagsa ang sabungero kahit walang dalang manok.

Ang koleksiyon ay umabot ng P2 million weekly. At ang mga ‘sub-collector’ ni Paul Tangkad ay ang mga tauhan nitong sina alyas Limuel, Noel Taba, Jack Tarlac at Alias Datu.

Bukod sa illégal na sabong online, kinokotongan din umano ni Paul Tangkad ang ilan namang illegal operations ng POGO.

Sinabi ng ating importante na may ilang video na rin ang kumalat sa social media ngayon kung saan ay kitang-kita kung paano nanghihingi ng payola si Paul Tangkad sa ilang iligalistang POGO operator.

At dahil kino-call nation ang attention ni NBI chief, dapat ay manawagan na rin ang mga Ka Usapang HAUZ kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre na ipatupad nito ang EO9 ni PBBM na binababoy ngayon ng ilang indibiduwal, tulad ni Paul Tangkad.

Palagiang sinasabi ni Paul Tangkad na konektado rin siya sa PNP kaya malinis at malaya umanong nakakapag-operate ngayon ang illegal e-sabong, lalo na sa Batangas, Abra at buong Central Luzon region.

Attention Police Regional Office 3 (PRO) commander Gen. Rogelio Penones, Sir. Palaging nasa AOR (area of jurisdiction) mo itong si Paul Tangkad baka puwede nyong makalawit ni Bulacan Police Provincial director Col. Angel Garciliano.
Para naman tumino na talaga ang tinatawag na Bagoong, este Bagong Pilipinas ni PBBM.

Mainit na nga ang isyu ngayon sa 34 missing sabungeros na itinituro ngayon sa kampo nina Atong Ang at Gretchen Barreto, may tongpats isyu pa sa NBI.

Ano ba iyan, Kuya Jimmy Santiago, Sir, Nagtatanong lang po?
##########

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036