Advertisers
Naaresto ang dalawang High-Valued Individuals (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Santa Cruz Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio Bayside, Barangay Gatid, Santa Cruz, Laguna.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Marine” at “Edwin” na naaktuhang nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Bukod sa nabiling droga, narekober din sa mga suspek ang labing-apat na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng puting kristal na substansya na pinaghihinalaang shabu. Tinatayang nasa 325 gramo ang kabuuang bigat ng nasabat na droga na may halagang aabot sa P2,210,000. ang Standard Drug Price.
Pinuri naman ni Police Regional Office 4A Regional Director PBGen Jack L. Wanky ang matagumpay na operasyon ng Santa Cruz MPS at PDEA, at hinimok ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang tuluyang masugpo ang ilegal na droga sa rehiyon.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Santa Cruz Police ang mga nadakip habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Koi Kaura)