Advertisers
Ni Beth Gelena
MATAGAL na ang isyung ito hinggil sa aktres na si Yen Santos at Chavit Singson, pero nanatiling tahimik lang ang aktres.
Sa wakas binasag na ni Yen ang kanyang katahimikan at nagsalita na patungkol sa mga tsismis sa kanila ni Singson.
Sa paglulunsad ni Yen ng kanyang opisyal YouTube channel ang unang vlog niya ay ang mga isyu at tsismis kung saan nabanggit ang pangalan niya.
Marami naman ang natuwa na binigyang-linaw na ng aktres ang mga isyu na ito online.
Ang title ng vlog, “Questions I Am Desperate To Answer.”
Sinagot ni Yen ang ilang personal na tanong.
Ayon kay Yen, isa sa mga tsismis na nais niyang bigyang-linaw ay ang umano’y pagkakaroon nila ng anak ni Chavit Singson.
“Yung tsismis na meron daw po kaming anak ni Manong Chavit. Guys, hindi namin yun anak, kapatid ko po yun. It’s my youngest brother, tatlo po kaming magkakapatid,” ani Yen sa kanyang viewers.
Ikinuwento niya na marami na siyang nakikitang video online na nagsasabing may anak na kasi sila ng dating kilalang politician.
“Sabi ko nga, hindi ko ugali kasi na mag-correct ng tao pero natanong mo na, yun talaga yun. Nakikita ko sa TikTok na nagkalat, na malaki na raw yung anak namin. Yes, malaki na siya, he’s 11 years old, pero hindi po namin yun anak, kapatid ko po siya,” paglilinaw pa ng aktres.
Dagdag pa ni Yen, “Ang nakakatawa kasi is he’s a good family friend. Ninong siya nung kapatid ko.”
Binalikan din ni Yen kung paano nagsimula ang isyu noon pa man. “Nag-uumpisa pa lang ako mag-artista, yun agad yung isyu ko eh,” aniya ng aktres sa mga fans.
***
JINKEE MAGIGING LOLA NA!
SA pag-uusap nina Jinkee Pacquiao at Chavit Singson, buong pagmamalaki niyang sinabi rito, “magiging lola na ako.”
Viral agad sa social media ang pagbida ni Jinkee na siya ay magiging lola na.
Ang kuhang video ng dalawa ay nasa official Facebook page ni Chavit.
Sa clip, makikitang binati ni Chavit si Jinkee at any twin sister nitong si Janet Jamora.
Nakuha ng netizens ang atensyon ng pag-uusap nina Chavit at Jinkee nang sabihin ng huli na magiging lola na siya.
“Manganganak siya December. Naunahan ka, ikaw ba susunod? Charot.”
***
Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada nakasama sa loob ng kulungan
DOCUMENTARY FILM NI COL. HANSEL MARANTAN, ANG UNSUNG HERO NA MALAKI ANG NAITULONG SA KAPULISAN
SA ginanap na documentary film ng ex-Davao police Colonel Hansel Marantan, marami pala siyang pinagdaanan noong aktibo pa siya sa serbisyo.
Marami rin daw ang nambu-bully sa kanya na hin
di niya mawari kung bakit dahil siya raw ay nagtatrabaho lamang.
Aniya, “Feeling ko na nilalait ako” lalo na nang gawin niya ang documentary film ng kanyang buhay.
Aniya, ‘It’s not a good feeling.”
Natanong si Colonel Hansel Marantan sa by media conference ng documentary film niyang Sa Likod ng Tsapa.
Naging controversial figure siya nung 2013 dahil sa Atimonan shooting incident na siyang sentro ng documentary film that seeks to tell his side of the story—one long buried under headlines and public opinion.
“May anim na controversial na incidents doon: like the Valle Verde, the Parañaque shootout… and a series of bank robberies dito sa Metro Manila that time. Nailabas ako doon, kasi medyo marami yung body counts doon, about 17, about 27 body count, equipped with assault rifles, high-power firearms, supposed to be owned by the law enforcers or the security forces, but now it’s being used by the perpetrators, ng Kuratong Baleleng,” ani ng Colonel.
“I think you know that, you can relate with that. So, and there we stopped.
“I was asked by the Palace na to come up with the case operation. Nasa YouTube pa rin yung… Teves, Quiboloy, yung I was put to incarceration.”
Pag-emphasize pa niya, “Marami pang hindi nailagay, kasi I belong to a task force. Pag task force naman, you’re not there to apprehend snatchers. You are there to apprehend big catch. Kaya nagtataka sila bakit si Marantan laging involved sa armed encounter. I belong to a task force. So ang target namin ay big fish, and they are armed.
“So, naturally, larger percentage, there will be armed encounter.”
Paano ba niya hinaharap ang criticism?
“Well, there’s redemption already,” wika niya. “Kasi the courts have spoken: na-exonerate na po kami lahat.
“We followed the process of the judicial system. Sabi ko nga, we swallowed the pill [however] bitter it was… Kaya nga napakulong kami e!”
“5 years of incarceration. What more do they want?… The exonerations from the regional trial courts speak for itself.
Nakuha raw niya ang redemption 20 years after.”
Sa loob ng kulungan, ibinida ni Col. Marantan na nakasama niya ang ibang mga pulitiko tulad nina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Bakit ba siya napapayag na gawing documentary film ang kanyang pagiging sundalo.
Ayon kay Editha Caduaya na isang legit na journalist at siyang nag-pursue na ilabas ang docu film ni Col. Marantan, “It was a fight, and nakita k.’