Advertisers

Advertisers

PBBM SINUSPINDE PAG-ANGKAT NG BIGAS

0 13

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang pagsuspinde sa lahat ng importasyon ng bigas sa loob ng 60 araw, epektibo simula Setyembre 1, 2025.

Nabatid na layunin ng hakbang na ito na bigyang-proteksyon ang mga lokal na magsasaka mula sa pagbagsak ng presyo ng palay ngayong panahon ng anihan.

Ayon kay Presidential Communications (PCO) Acting Secretary Dave Gomez, inilabas ni PBBM ang direktiba kasunod ng konsultasyon sa ilang miyembro ng gabinete sa sidelines ng kanyang limang araw na state visit sa India.



Binigyang-diin ni Gomez na sensitibo si Pangulong Marcos sa hinaing ng mga magsasaka at nais nitong tiyakin na hindi sila malulugi sa harap ng bumababang presyo ng palay bunsod ng pagdagsa ng imported na bigas.

Matatandaang bago tumulak patungong India, inirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pansamantalang paghinto ng rice importation, pati na rin ang pagtaas ng taripa sa mga inaangkat na bigas upang tulungan ang lokal na industriya.



Gayunman, nilinaw ni Gomez na sa ngayon, hindi pa kinokonsidera ng Pangulo ang pagtataas ng taripa sa imported rice.

Aniya, mas mahalagang tutukan muna ang pagpapatupad ng moratorium sa importasyon habang isinasagawa ang mas masusing pagsusuri sa epekto nito. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">