Advertisers

Advertisers

Mister ni Mayor, at konsehal patay sa heat stroke

0 10

Advertisers

Nauwi sa trahedya ang isang mountain trail run sa pagkamatay ng mister ng alkalde ng New Bataan at isang Sangguniang Bayan (SB) member ng Montevista, parehong nasa probinsya ng Davao de Oro.



Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Klent John Mesiona Brua, 39-anyos, mister ni New Bataan Mayor Bianca Cualing-Brua; at Eric Joseph David Taping, 33; Sangguniang Bayan member ng Montevista.

Sa report ng Santo Tomas Municipal Police Station (MPS) na isinumite sa Davao de Oro Provincial Police Office (PPO), naganap ang insidente nang lumahok ang dalawang biktima sa Balikadaw X Santo Tomas Mountain Trail Run na nagsimula sa Bukindao sa Purok Narra, Brgy. New Visayas sa bayan ng Sto. Tomas 4:30 ng madaling araw.

Sumali si Brua sa nasabing event sa 21-kilometer trail na dumaan sa matarik at magubat na bahagi ng nasabing bayan. Gayunman, 12:30 ng hapon napansin naman ni Brgy. San Jose Captain Alfredo Jaway na nabigong makabalik ang dalawang runners.

Agad namang nagsagawa ng pinagsanib na search and rescue operation ang mga miyembro ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at lokal na pulisya at 3:30 ng hapon natagpuan si Brua na nakahandusay sa paanan ng bangin sa Brgy. San Jose na bagama’t naisugod sa Santo Tomas Medical Health Center at idineklarang dead-on-arrival.

Dumanas ang biktima ng traumatic brain injury, internal hemorrhage at cerebrovascular accident o heat stroke.

Samantala, natagpuan ding wala nang buhay si Taping sa lugar na kanilang dinaanan sa bahagi ng bulubunduking bahagi ng Brgy. San Jose na hinihinala namang na-heat stroke rin bagaman hinintay pa ang resulta ng medical findings nito.