Advertisers
Ni Noel Asinas
PATULOY ang pagbuhos ng papuri sa ipinakitang galing ni Barbie Forteza sa mind-bending horror film ng GMA Pictures na P77.
Marami sa mga nakapanood na ang talaga namang mind blown sa “twist after twist after twist” na mga pangyayari sa pelikula. Komento nga ng ilan, maituturing itong masterclass kung writing at direction ang pag-uusapan. As expected, napakahusay nga rin umano ng pagganap ni Barbie dahil tinakot, pinaiyak, at pinag-isip niya nang malalim ang moviegoers habang pinapalawak ang kanilang isipan tungkol sa PTSD.
Sa premiere night pa lang, damang-dama na agad ang pagmamahal at suporta ng mga kaibigan ni Barbie sa industriya. Sey nga nila, saludo sila sa aktres dahil palaging hundred percent ang ibinibigay niya sa bawat proyektong ibato sa kanya. Ilan nga sa dumalo ay nanggaling pa sa malalayong lugar tulad ni Alden Richards na mula pa sa isang relief operations sa Malolos, Bulacan at Bianca Umali na all the way pa from a regional event sa Zamboanga City.
Kabilang din sa mga nagpunta sa premiere night sina David Licauco, Jameson Blake, PBB Celebrity Collab Edition Ex-Housemates Dustin Yu, Bianca de Vera, at Josh Ford, Rain Matienzo, pati na rin ang GMA Public Affairs personalities na sina Jessica Soho at Atom Araullo.
Don’t miss out! Mapapanood ang P77 sa mga sinehan nationwide.
***
Emilio sumunod sa yapak ni kuya Mikael sa showbiz, chix endorser na
NEWEST endorser of KFC, PBB’s and Star Magic Star Emilio Daez, 25 years old, nag-aral sa Ateneo De Manila University. Tinalikuran niya ang work niya sa bank bilang financial adviser para tuparin ang hilig sa showbiz.
Si Emilio ay younger brother ng GMA Sparkle actor Mikael Daez, husband of Miss World Maegan Young. Inamin niyang naka-influence sa kanya si Mikael para pasukin ang showbiz.
Makakasama si Emilio ni Kathryn Bernardo at iba pang actor na tagapagtaguyod ng KFC products.
Napili si Emilio, ayon kay marketing head, Ms. Charmaine Pamintuan, na nag-fit ang mga katangian ni Emilio para maging karapat dapat na ambassador ng mga produkto ng KFC. Imagine, grade school palang si Emilio, mahilig nang kumain ng fried chicken. Kaya nang nakuha siyang endorser, buong puso niyang tinanggap.
Siempre, na-invite kami sa event launching and contract signing ni Emilio sa thru MediaBlitz executive director Jennylei Caberte.